Thursday, October 18, 2007

san mig strong ice

note: try reading san mig light first.


"anyways pre, bakit di mo pa kasi siya ligawan? baka nga maunahan ka niyan. kaw din."

"di ko pa siya kilala eh. i like her based on what i see now. eh baka pag nakilala ko na siya ng husto eh madiscover ko na may psychiatric disorder pala siya."

"sama. psychiatric disorder. ang bad."

"kaya for now, let's just keep things the way it is."

"eh paano pag naunahan ka? baka magsisi ka. nasa huli ang pagsisi tsong."

"if it's meant to be. it's meant to be."

"kaw din. nagpapaalala lang. or, bigyan mo na lang kaya ng isang matinding hirit."

"matinding hirit? like? sige, since you're a girl, ano ba ang matinding hirit para sayo?"

"ewan."

"tsk. sabi na eh. dati ka talagang lalaki nagpaconvert ka lang. bading."

"gagu! siyempre depende naman sa tao yan kung ano ung matinding hirit para sa kanila eh. pwede mong sabihin na... 'you know what, you're like a guardian angel sent by heaven'."

"guardian angel? saan naman nanggaling yun???"

"ewan."

"ano ba yan, may tama ka na talaga yata."

"hehe."

"o siya, bill out na tayo."

No comments: