Tuesday, October 16, 2007

pahingi ng baon

pssst.... nami-miss niyo ba ung school days niyo? ung mga times na wala lang tayong gagawin kung hindi magaral para sa exams and humingi ng baon. anong mas nami-miss niyo? highschool or college? alin dun ang mas masaya?

haaaaaaaaay....

may times na ok na may work na. may times din na mas gusto ko pang bumalik ng college. fickle minded. pag may problema sa work gustong bumalik ng school. gusto na lang magaral. pag dating naman ng sweldo, nakakalimutan na ang problema sa trabaho. sheez. ano bang meron noon na wala ngayon?

-- exams. walang exams ngayon. meron SIRs.
-- social life. bihira na lang gumimik. ninanamnam ang mga araw na nakakauwi ng 6:01.
-- baon. makapal ang mukha pag humihingi ng pera kay ermat/erpat. ngayon kuripot dahil sariling pera na ang ginagastos.
-- lovelife. ayaw ko ng magsalita. baka may humirit pa sa akin.

isip pa kayo. welcome ang additional ideas.

3 comments:

Alec Macatangay said...

ako miss ko na college, lalo na nung andyan pa ko sa kumpanya nyo. mas gusto ko college kesa high school. d pa kasi ako pogi nung high school e. ewan ko ba.

bale wala ang pressure ng exam kesa sa pressure sa error sa production.

ang maganda lang sa work (bukod sa sweldo): internet all day. pero depende yan sa kumpanya nyo.

at ako nanghihingi pa ng baon kay ermat. pangtraysikel.

jay said...

mas gusto ko din college. mas masaya nung college eh. puro kalokohan lang ung highschool days eh.

Anonymous said...

mas masaya college kesa highschool.pero mas masaya may work kesa college :D haha ewan ko, bka dhl ayaw ko yung mga subjects, assignments, projects pati yung ibang teachers ;)) pag may work may sarili ka nang pera pang-labas at pmbili ng kung ano ano bwehehe >:)

@alec: d pa kasi ako pogi nung high school e. ewan ko ba. <--- ano to?? haha :))