Friday, September 22, 2006

old age


would you believe na ako yan nung musmos pa lang ako?? ang hirap paniwalaan di ba? hindi ko din alam kung ilan taon na ako niyan.. and di ko din matandaan nung kinunan ako ng picture diyan.. malamang.. musmos pa lang ako nun eh.. wala pang isip.. wala pang kamalay malay sa mundo.. hehe.. ang bilis lumipas ng panahon.. ang bilis ng oras... mag be-bente tres na ako sa susunod na buwan.. ang dami na ding nangyari sa buhay ko.. parang kailan lang at nagtatago pa ako sa drum ng tubig pag ayaw kong pumasok sa skwela.. parang kahapon lang nung tinatago ko pa yung sapatos ko na pamasok para kunwari ay nawala , para di ako papasukin sa school.. hehe.. haaay..

ang sarap nung buhay nung bata pa... walang masyadong problema.. walang masyadong iniisip kung hindi kung ano ang susunod na lalaruin or paglalaruan.. mabilis talagang lumipas ang panahon.. kaya nga enjoy your life to the fullest di ba? and value the things you have.. kasi di mo alam kung kelan sayo mawawala ang mga bagay na yun..

No comments: