Thursday, July 06, 2006

jeepney..

jeepney.. di ba ito yung national means of transport ng pinas? anong nangyari sa mga jeepney? di ba dati mas pipiliin nating sumakay na lang ng jeep kesa mag fx or mag taxi.. heck... di na maganda/masayang sumakay sa jeep ngayon.. and ayaw ko na ding sumakay ng jeep kung maari.. hindi po ako maarte.and hindi din ako pa-high class na tao.. eto lang ang dahilan ko kung bakit..

1. hindi na komportableng sumakay ng jeep ngayon.. kung ang isang jeep eh animan lang.. ginagawa na ngayong waluhan... at pilit na pinagsisiksikan ang tao.. tipong yung huling sasakay eh parang naka-skwat na lang sa loob... kasi wala ng pwesto ang pwet niya sa upuan..

2. mainit na sobra.. kung mapapansin niyo ang mga jeep ngayon, sobrang init na.. siksikan na nga.. sobrang init pa.. paniguradong pagbaba mo ng jeep eh para kang naligo sa sarli mong pawis at pati singit mo pinagpapawisan..

3. matagal ng bumyahe ang jeep.. and daming stop over.. ang tagal mag pick up ng pasahero.. at kahit wala na talagang pwesto ay sige pa din sa kaka-pickup ng pasahero..

4. balasubas at barubal ang ibang drivers.. sa gitna ng kalsada nag bababa.. at kadalasan bastos kung makasagot.. at akala mo kung sino..

5. di na safe sumakay ng jeep.. kadalasan may holdapan nangyayari sa loob mismo ng jeep.. minsan naman may mandudukot na lang bigla sa labas ..

6. mahal na ang pamasahe... hindi worth it ang 7.50 na bayad kung ang masasakyan mo naman na jeep ay katulad nang na-describe ko.. mas pipiliin ko na lang mag fx at kaunti na lang ang idadagdag..

opinyon ko lang po to ah.. salamas...

2 comments:

Anonymous said...

diba madami na din ang nahoholdap sa fx?

=D

jay said...

yup.. minsan kakuntsaba pa yung driver.. pero mas madami sa jeep eh.. saka mas madalas pa.. =P