Wednesday, July 05, 2006

halina sa tren....

araw araw may nakikita kang mga tao... iba iba ang ugali.. iba iba ang itsura.. may maganda.. meron namang parang sinagasaan ng 10-wheeler... we live in a small world.. in a small country.. in a small city.. and majority of those people ride the infamous mrt... sa araw araw na lang na sumasakay ako sa mrt.... sa araw araw na lang na gusto kong bigwasan at ipasagasa sa tren ang management nito.. sa araw araw na lang nang pagrereklamo ko.. nakakapansin din ako ng mga types ng tao na sumasakay dito..

here are some of the following:

1. the pushers ---> based on the name itself.. ito yung mga taong mahilig manulak..lalo na pag papasok sa loob ng tren.. kadalasan mga babaeng matataray or mga pasosyal na gusto lang kaagad makaupo.. pwede din yung mga lalakeng nakikitulak lang para manantsing at makahawak kung saan saan..

2. the door hog --> second to the pushers sa mga pinaka nakakainis na type na makikita mo sa mrt.. eto yung mga taong hindi ko alam kung nasan ang utak.. kung nasa may pwet ba nila or nasa talampakan.. hindi kaya nila naisip na nakakaistorbo sila sa mga bumababa at sumasakay ng tren sa pag tambay nila sa malapit sa pinto kahit na ang bababaan pa nila ay sa huling steyshun..

3. the mandu ---> the mandurukot.. dati marami kang makikita nito sa mrt.. may pictures pa nga sila dati na nipo-post sa loob ng steyshun.. kadalasang nagpapanggap as a pusher para mas madaling makadukot.. minsan din ay nagpapakanggap as the door hog type.. para madaling maka-sibat...

4. the S&S type ---> the seat and sleep type... sometimes they really do sleep for real.. pero most of the times they just pretend to be asleep para di sila makonsensya pag may tumapat na babae sa kanila at gustong umupo nung babae.. hehe.. i admit i'm this type of person.. niyahahaha..

5. the sensitives ----> eto yung mga types na masarap bigwasan at ingud-ngod sa railings.. eto yung masagi mo lang ng kaunti eh wala ng tigil sa kakaputak.. usually mga babaeng pa-high class ang ganito... at mag lalake feeling gwapo.. mukha naman gago..

6. the manyaks ---> self explained...

7. the papansin ----> eto yung mga tao na pag may tumawag sa celfone nila eh hihintayin muna nilang matapos yung ring tone nila bago nila sagutin.. and take not naka max pa ang volume ng mga celfone nila.. eto din yung kung makipag usap sa celfone eh akala mo bingi ang kausap sa sobrang lakas ng boses.. at kung sumagot pa minsan eh pasigaw na "HI-LU? OY TSUNG.. MOSTA KA NA.. HAHA. DETO AKO SA EM-ARRRRR-TE NGAYON..."

8. the bomb!! ----> eto yung mga may anhit at malalakas ang putok.. na tipong pag tinaas nila yung kilikili nila eh parang may nagpasabog ng isang nuclear warhead na tipong buong train maaamoy mo yung ginamit niya na pabango na nahaluan na ng pawis na in turn eh nangamoy sibuyas na sinamahan mo pa ng suka at dinikdik na bawang..

for those of you who knows other types aside from the ones listed here.. feel free to comment it in..

booya!!


6 comments:

Alec Macatangay said...

the sirkero type - eto yung mga taong dala-dalawa ang hawak na hawakan sa handrail, at walang pakialam ipamahagi ang isa sa ibang walang hawakan. para ba silang mga trapeze artist habang gumegewang gewang ang tren.. sa mga taong ganyan, sana makalimutan nyong maghugas ng kamay bago kumain...

the rip van winkle type - eto yung mga nakaupo sa gitna parte nung coaches. as in nakaupo! indian sit, o skwat, o stretched-legs.. sakop nila yung gitna.. sarap ng buhay baga..

ututin type - believe me, meron pa ring mga walangyang tulad nila..

syanga pala, natutulog talaga ako sa mrt. :D

jay said...

haha.. oo nga pala.. may mga ganun nga pala.. di ko naalala yun ah.. thanks sa comment.. hehe.. =P

single_mom said...

eh ano naman tawag mo dun sa uber kapal muks na mga lalake na kahit me nakatapat nang buntis sa kanila eh kunsihodong mabali ang leeg sa pagtingin sa labas ng tren para kunwari eh hindi nakikita ung buntis sa harapan nila ?

at isa pang sirkero type eh ung mga ayaw naman humawak sa handrails at pinipilit bumalanse pero pagpreno eh todo hampas ng buong katawan sa katabi sabay tatawa ng malakas na kala mo eh kinikiliti ..

jay said...

mommy f: madami ngang ganung klase.. yung mga hindi pumapansin ng mga buntis saka matatanda or disabled, mga makakapal ang mukha.. sana kunin na sila ni Lord.. tapos yung isa naman eh kasama din sa mga papansin type..

Anonymous said...

isa pang favorite ko...yung manloloko type. kala mo sobrang gandang babae. sexy galing sa likod so lalapit at titig ka pa ng konti. at dahil sa manyak ka nga sasagiin mo pa kasi sexy nga at mukhang maganda eh. pero pagharap sayo ay nakow!!! mas mukhang lalake pa kay Ultimate warrior at me sputnik pa. Kaya after nun dali dali kang lalayo at nandidiri sa iyong sarili. =|

Apols said...

hello tangkad, nag blog hop lang po at napatawa mo ako dito :D